Mahalaga sa amin ang inyong kaligtasan

Dahil mas lalong nagiging digital ang mundo, mahalagang manatili tayong ligtas at responsable.

Ngayon, abot na natin ang mundo sa pamamagitan ng isang click. Ngunit mahalagang gawin natin ang ating parte sa pagiging responsableng mamamayan online at gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagiging biktima ng mga scams. Narito ang iilang resources na makatutulong kung papaano tayo manatiling ligtas sa digital space.

Manatiling ligtas habang namimili online

Masayang tumingin-tingin ng mga bilihin online. Napakadali nito at lahat ng ating kailangan ay mabibili sa pamamagitan ng isang click. Ngunit kaakibat ng mga benepisyo ang importansya ng pananatiling ligtas online. Narito ang mga resource na makatutulong kung paano kumilala ng iba't ibang scams at mga payo kung paano manatiling ligtas online.

Palaging bumili sa mga mapagkakatiwalaang online sellers

Kapag bumibili online, maaari tayong mabiktima ng mga items na depektibo, ninakaw, o imitasyon. Kaya napakaimportanteng bumili mula sa mga mapagkakatiwalaang online stores. Panoorin ang video na ito na may mga tips para maging ligtas online.
 
 

Mag-pause bago bumili

Minsan, ang mga items na nabili natin online ay maaaring hindi makakarating at sa iilang pangyayari, ang ating pagkakakilanlan ay nananakaw. Dahil dito, importanteng mag-pause sandali bago kumpletuhin ang isang transaksyon. Panoorin ang video na ito na may mga tips para maging ligtas online.
 
 

Paano mag-report ng mga scam sa Facebook

Tuwing makakakita tayo ng scam (o potensyal na isa), dapat tayong maging maagap at i-report ang mga ito. Panoorin ang video na ito at sundin ang mga tagubilin kung paano ito gawin sa Facebook.
 
 

Paano mag-report ng mga scam sa Instagram

Tuwing makakakita tayo ng scam (o potensyal na isa), dapat tayong maging maagap at i-report ang mga ito. Panoorin ang video na ito at sundin ang mga tagubilin kung paano ito gawin sa Instagram.
 
 

MANATILING LIGTAS MULA SA MGA SCAMSTERS ONLINE

Si Lee at ang kaniyang palakaibigang asong si Oscar ay ginagamit ang internet para manatiling konektado sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. Ngunit sila ay nanganganib mula sa maraming scamsters na susubukan ang lahat para mai-scam sila sa iba't-ibang mga paraan.

Kilalanin ang mga scamsters na ito at alamin ang mga tips para maging ligtas online.

Panoorin ang 1-min video  

Ang Romantic Scammer

Ang mga Romantic scammer ay nagpapadala ng mga romantic at mapang-akit na mga messages sa mga taong hindi nila kilala, ang nais lamang nila ay pera. Panoorin ang clip para alamin kung paano ka mapapanatiling ligtas online.
 
 
 

Ang Lotto Scammer

Nagsasabi na nanalo ka ng isang premyo, at humihingi ng bayad para makuha mo ito. Nakalulungkot, ngunit wala talagang premyo. Panoorin ang clip para alamin kung paano ka mapapanatiling ligtas online.
 
 
 

Ang Loan Scammer

Nag-aalok sa iyo ng isang pekeng pautang na may maliit na interes, ngunit ang gusto lamang ay ang iyong bayad. Panoorin ang clip para alamin kung paano ka mapapanatiling ligtas online.
 
 
 

Ang Job Scammer

Nililinlang ka na ibigay mo ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng pag-iimbento ng mga pekeng trabaho. Panoorin ang clip para alamin kung paano ka mapapanatiling ligtas online.
 
 
 

Ang E-commerce Scammer

Nagbebenta ng mga produktong wala sila, madalas sa murang presyo. Panoorin ang clip para alamin kung paano ka mapapanatiling ligtas online.
 
 
 

Pangunahing mga tips para maging ligtas online

Narito ang pangunahing mga tips para maging ligtas mula sa iba't-ibang mga scamsters online.
 
 
 

Alamin kung paano maging ligtas mula sa mga scamsters online kasama si Lee at Oscar

In partnership with

To help personalize content, tailor and measure ads, and provide a safer experience, we use cookies. By clicking or navigating the site, you agree to allow our collection of information on and off Facebook through cookies. Learn more, including about available controls: Cookies Policy